CONTENTS

*KATANGAHAN SA FACEBOOK

*CYBER BULLYING- ANO ANG KONTRIBUSTON NG SARILING KAPAKSHITAN?

*FACEBOOK BREAK- UP

*HOMOSEXUALITIES



KATANGAHAN SA FACEBOOK

Facebook, ang pinaka madaling
paraan ngayon upang makipag-
socialize ang mga kabataan.
Ginagamit na din ito para ma-express ang feelings
mo tulad ng kasiyahan, kalungkutan, kalandian
esetera etsetera.
Pero maganda ba na nag-e-express ka ng feelings
mo sa facebook?
Ayon sa isang 49 years old professor sa planetang
Jupiter, wala naman daw talagang may pake sa
mga kadramahan ng tao sa facebook. Maliban sa
mga super close friends mo na hindi naman online
nung nag post ka ng mga hin-nanakit mo sa buhay.
Nakakita na din ako ng mga taong nag popost ng
mga picture nila na umiiyak sila.
At naniniwala akong, HINDI ka naman ganon
kalungkot pag nakapag post ka ng picture mong
umiiyak. Example: Picture number 1.
Alam ko ang plano ni girl, mag drama para
mapansin siya ng kanyang childhood sweetheart na
si Luis (Naka sulat sa daliri niya).
This is exactly the type of shit na nag reresulta ng
cyber bullying. Bukod sa hindi ka nakaka-awa, nag
mumukha kang taong hindi nakaka-konsensya
suntukin sa throat.
Kapag luhaan ka at nakuha mo pang mag-sulat ng
"Inaaway mo ko" at may sad emoticon pa. Hindi ka
mukhang malungkot. Mukha kang motivation para
manakal ng tao.
At kaya lang nagkaka-interest ang mga tao sa
picture mong umiiyak ay yun ay dahil lang sa
mukha kang tanga at masarap kang tawanan.
Everyone loves to have fun. At napaka FUN-nira ng
araw ng picture mong umiiyak ka.
At wala bang magulang ang mga batang to? Check
this girl out: Picture number 2.
Masaya ang nakalagay sa description ng picture
niya. Pero ang makikita niyo sa imahe ay babaeng
lukot ang mukha sa kalungkutan. At may hashtag
pa siyang ‪#‎Happytohaveyou‬ pero mas malungkot
pa siya sa batang umubos ng baon niyang 20 pesos
pero hindi padin naka-bunot ng itek. Sobrang cute
pa naman ni girl pag umiiyak, sarap kurutin ng
plais.
Hindi ko ma-gets ang kalungkutan niya, ang alam
ko lang break na sila after ng picture na to. At ang
babae ay tahimik na naninirahan sa labas ng 7/11
at may hawak na baso ng barya. JK, hindi ba't kaya
tayo may magulang para hindi makapag post ng
mga gantong shit? Kung normal na ang ganto sa
pinas sa panahon ngayon, mukhang panahon na
para i-impake ang mga pangarap ni rizal at
tanggapin na ang katotohanang tayo ang pinaka
sakal-able na henerasyon.

Krizza Cairel's photo.


Krizza Cairel's photo.

Write everything your mind says :)

Pero syempre wag kana mag write, old age ka masyado pag ganun. Type nalang :D Puta.

CYBERBULLYING- ANO ANG KONTRIBUSYON NG SARILING KAPAKSHITAN

Kahit ano pa ang sabihin natin, mali ang pambu-
bully sa kahit na anong anggulo.
Walang indibidwal na deserve ma-bully. Pero ano
nga ba ang contribution ng sariling ka-pakshitan sa
tiyansa mo na maging biktima ng Cyberbullying?
Cyberbullying - is the use of Information
Technology to harm or harass other people in a
deliberate, repeated, and hostile manner.
Madali na mambully sa internet, pwede ka na kasi
gumawa ng fake account at mambully nang mang
bully at sobrang liit ng tiyansa mong mahuli. Hindi
naman kasi ata pinagtutuunan ng pansin masiyado
ng gobyerno ang mga gantong usapin. Masiyado
silang busy sa pag gawa ng mga bagay na hindi
nag-eexist. Kaya naiintindihan ko naman kung
wala na silang time para sa mga gantong bagay.
Habang 20%( Hindi official na bilang, gusto ko lang
mag mukhang professional kaya nag lagay ako ng
mga percent) ng mga nagiging biktima ng
Cyberbullying ay dahil sa mga taong walang ibang
gustong gawin kundi mag hanap ng mga taong
lalaitin at pag-ti-tripan.
Yung other 80% naman na biktima ng Cyberbullying
ay resulta ng sariling kashungahan.
May mga bagay kasi na hindi mo na dapat i-post
pa sa internet. Pero may mga tao talagang tila
gustong gustong sinasabihan sila ng "HOY, MUKHA
KANG TANGA!"
Maniniwala ka bang pinost ito ng mga tao sa
Facebook?
Example ng mga bagay na hindi mo na dapat pinost
sa Facebook kung ayaw mong mabully.


Tignan niyo 'to for example. Hindi ko alam kung
may problema siya, kung dugo niya ba talaga ang
nasa sahig oh pinaglaruan ng pamangkin niya yung
betadine at natapon sa sahig.
Eto mga maling Bagay na makikita sa imaheng ito
-Duguan ka na, una sa lahat ang una mong
gagawin ay humingi ng tulong. Wala na sa isip mo
yung "Grabe baka magkaron ako ng internal
bleeding, AMA TEYK A PIKCHUUUUR"
-Malaki ang tiyansa na nabagok siya na hindi niya
hawak ang phone niya. Kaya malamang iniwan
niya yung dugo niya sa sahig para kuhain yung
phone niya sa lamesa, at hinigaan niya ulit para
makapag selfie.
-Tsaka kung titignan niyo, dalawa yung angle ng
camera. Nabagok na nakuha pa humanap ng
magandang angle. Malamang naka-ilang picture to
sa duguan niyang sahig at nag-delete delete ng
mga picture na hindi gaano maganda ang kuha.
"Hindi kita yng dugo dito, DELETE"
"Parang Oily ako sa Angle na to, DELETE" "
"May nahagip na paa ng kasambahay, DELETE"
"Leche, Blurred amp. DELETE"

Isa pang example ang kama-kaylan lang naging
viral sa Facebook. Ang imahe ng babaeng nag-
laslas.

Eto naman ang napansin kong mali dito
-Ang intensyon mo sa pag-la-laslas ay magpa-
tiwakal. Hindi na papasok sa isip mo ang pag-
eedit ng picture collage.
-Senyales ng pag iinarte ang mababaw na pagla-
laslas. Lalo na kapag mukhang piniga-piga mo pa
yung hiwa para mas madaming dugo ang makita sa
picture.
-Wag mag-picture ng imahe mo na umiiyak ka sa
mga Social media. Anong gusto mo gawin ng mga
nasa friends list mo? Mag-PM ng TISSUE?
-Hindi nakaka-lungkot ang pink na Font.
-Hindi nakaka-lungkot ang Blade-Selfie
Wag na mag inarte sa internet. Kung gusto mag
labas ng problema, i-chat si BESTIE. Wag sa
newsfeed.
May mag-sasabi "HINDI NAMAN NATIN ALAM ANG
PINAG-DADAANAN NIYA"
Base sa caption ng imahe "Mahal na Mahal Kita".
Ito ay pagla-laslas para sa kanyang boyfie.
Kawawa naman si girl, naging viral ang kanyang
pagka-broken hearted.
Madami pang rason ang pwede mong ika-bully sa
internet.
-Dahil napaka perfectionist ng mga Pilipino. Kung
hindi mo na kaya i-express ang sarili mo in
english. Wag mo nalang ipost.
-Don't pretend to be someone you're not.
SERIOUSLY. MADAMING NAKAKA-KILALA SA
TUNAY NA IKAW.
ANG SINASABI KO LANG
Mali ang mambully. Pero sana hindi ikaw mismo
ang nag-bibigay ng rason sa mga tao upang ma-
bully ka.
Wag mag mukhang tanga sa internet. Dahil
madaming tao na walang ibang gustong gawin
kundi mag sabi ng totoo.

FACEBOOK BREAK- UP

Ang self-destructive shit na ginagawa ng halos
lahat ng teenagers sa panahon na 'to.
Self destructive kasi, mukha silang tanga. Lalo na
kapag ang way of communication nila ay patamaan
ng message sa status. Hindi ito haka-haka lang.
This shit is real. Ito ay STUPIDITY GONE BERSERK.
Let me tell you this. Kung nag-break kayo, at hindi
pa kayo nagkakaroon ng closure. DON'T F*CKING
POST IT ON FACEBOOK.
Ito kasi yung kina-mumukhang tanga ng mga teens
sa Facebook. Lalo na pag nagsasagutan yung
dalawa...... THROUGH STATUS. At nagiging
available para sa lahat ng tao ang information na
dapat kayong dalawa lang ang nakaka-alam.
Nakabasa na ako ng Facebook break-up. Nakaka-
libang talaga. Para kang naka-subaybay sa isang
reality show. Hindi nga lang ganon kaganda ang
mga bida pero okay na din. Parehas naman ng mga
linya eh.
Facebook break-ups be like
Girl: Sige jan ka na sa kanya, jan ka masaya eh no?
Edi magsama kayo. LOL Hindi ka kawalan.
Boy: Napaka-kitid kasi ng utak kung ano ano
iniisip. Sige yan naman ata ang gusto mo eh.
Girl: Eh talaga namang jan ka masaya eh.
Boy: Osige na ikaw naman tama. Sus.
Na parang physically impossible bigla sakanila
ang texting at private messaging.
Tapos doon sa dalawang magkasintahan. Yung
pinaka-panget pa yung unang babanat ng gantong
shit:
" I deserve someone better" " Hindi ako yung
nawalan. Ikaw"
Tapos makakarinig ka ng mura all of a sudden,
they be like
"PUTANGINA NUNG MGA NAKIKIELAM SAMIN.
WALA KAYONG ALAM PLEASE MANAHIMIK KAYO"
Like what the f*ck? PANONG WALANG ALAM.
B*TCH KAKABASA LANG NAMIN.
Tapos 2 hours later mag-popost yung lalake ng
pinaka madramang getting back together bullshit
na mababasa mo sa buong buhay mo.
"Babe sorry na, please. Getting back with you
might be hard. But moving forward without you is
impossible"
Yung sincerity niya ay POWERED BY GOOGLE.
Tapos after all of these bullshit a*s dramas. 2
hours later makikita mo nanaman yung
nakakadiring couple picture nila magka-kiss and
shit dahil nagkabalikan na pala sila. May caption
pa na "Forever na tayo babe" bullshit na parang
hindi sila nag-break kanina. WE ALL KNOW THAT
AIN'T GONNA HAPPEN B*TCH.
I know parte ng relasyon ninyong dalawa minsan
ang away and all that cheesy shit.
Pero dapat hanggang sa inyong dalawa lang yon.
Hindi kaylangan malaman ng ibang tao na may
nilanding iba yung boyfriend mo dahil nakakairita
yung bunganga mo minsan at hindi din kaylangan
malaman ng ibang tao na iniwan ka ng girlfriend
mo dahil napaka-kati mong tao.
Let me tell you this story ng isang FACEBOOK
DRAMA GONE WRONG.
Cast: Tangang Lalake, Tangang Babae, at isang
matalinong epal na nagngangalang.... AKO.
Minsan nakabasa ako ng facebook LQ, near break-
up na. Pero iba 'to. ENGLISH
Nag-eenglishan sila, intense na talaga. Sa status
yon ah. Sagutan doon sa comment section.
Boy: Blah blah blah english shit, it's not my fault
Girl: I hate this, you don't like mah friends and all
that
Boy: I left my friends for you, and you're still
acting like this
Girl: I don't talk to my friends anymore because of
you.
Sa sobrang gusto kong turuan sila ng konsepto ng
"PRIVACY" naki-english ako. Alam niyo
cinomment ko?
Siyempre english din.
Boy: You don't get me at all
Girl: It's not my fault blah blah
Me: .................Carrots
F*CKING YES CINOMMENT KO YUNG WORD NA
"CARROTS"
Alam niyo sinabe sakin?
" Sino yan? NAKAKABASTOS NA YAN AH!"
B*TCH BINASTOS NIYO NA YUNG SARILI NIYO
NOONG PINOST NIYO SA PUBLIC YANG BULLSHIT
LOVE STORY NIYO NA WALA NAMANG
INTERESADO.
At sakin pa nagalit noong sinabe kong
"Naka-Public kasi. Pwede magcomment kahit
sino. Kung ayaw niyo may namamakielam sa
CHATBOX KAYO MAG USAP"
Anak ng puta papabanatan daw ako sa Fraternity
niya. Anong klaseng kababawan yon. Kilala ko
yung girl. Sabi wag ko nalang daw pansinin. Tapos
kinabukasan naka-block na ako sa account nila
parehas.
Baka nagka-sagutan nanaman sila in english at
ayaw nilang makumpleto ko pa ang food pyramid.
Tapos eto nanaman
Sasabihin nanaman sakin "FACEBOOK NILA YON.
WALANG DAPAT MAMAKIELAM."
Eh kung wala naman palang dapat mamakielam,
bakit ipo-post pa? WHY THE F*CK BOTHER
POSTING IN IN THE FIRST PLACE KUNG AYAW
NIYONG MAY MAKIALAM? Dapat isinulat niyo
nalang sa diary. Or sa public restroom kung saan
nababagay ang inyong shitty thoughts.
Imbis na kayong dalawa lang ang nakaka-alam
kung gaano kabobo at kalandi yung girlfriend/
boyfriend mo malalaman pa tuloy ng lahat dahil
hindi niyo alam ang salitang "Private message".
Learn to value your f*cking privacy.

HOMOSEXUALITIES- What my 17 year- old mind thin about it.

People talk about HOMOSEXUALITIES now At siyempre, meron din akong opinion. BILANG
TEENAGER.
Do I believe in GOD? Yes. Do I believe on the same
things that other religious people believe? NO.
Sabi ko nga dati, I believe in GOD. I don't believe
in bullshit.
God is almighty. God is a SUPREME BEING. Kung
ayaw niya sa homosexuals, hindi na niya
hahayaang maging Mentally and Physically
possible para sa isang tao ang maging
"Homosexual" in the first place.
Plus, lahat ata ng mga religious naniniwala sa
katagang "GOD HAS A PLAN". If GOD hate
homosexuals then why bother making them in the
first place if he will not include them in his
"PLAN".
Tsaka GOD is Good. Siguro naman hindi ka niya i-
cocondemn just by being yourself. Just by being
the person he created.
God will only hate Homosexualits pag sila ay isang
"PUNYETANG TAO". And not only homosexuals,
kasama nadin ang mga straight, Christians,
Muslims, Priests at lahat ng taong nag-eexist sa
planetang ito.
At hindi tayo pare-parehas. God created us
differently for a purpose. He wants us to treat
others equally para tayo nadin ang mag-patunay sa
katagang "GOD CREATED US EQUALLY"
At sa Same Sex Marriage,
Ang common na sinasabi lagi tungkol sa kasalan
ay:
"Mawawala na ang pagiging sagrado pag
nagpakasal na ang lalake sa lalake at babae sa
babae"
Whichis the most bullshit thing I have ever read.
Bakit may Annulment? Bakit may Divorce? Bakit
may nag-hihiwalay dahil nambababae at
nanlalalake? Bakit hindi hayaang mailigtas ang
isang marriage gamit ang "Sacredness" neto?
It's sad na nabubuhay tayo sa mundo na hindi
maaaring magpakasal ang mga Homosexuals, just
because they are "HOMOSEXUALS".
Pero pwedeng mag-pakasal ang mga nagnanakaw
ng 10 Billion sa taong bayan, Convicted murderer,
at mga magnanakaw dahil STRAIGHT sila. Yan na
siguro ang pinaka-sacred na bagay na narinig ko
sa buong buhay ko.
Ikaw? Anong opinion mo?